Sa isang silid na tanging makulimlim na liwanag mula sa di kalayuan ang tanging masusulyapan. Bagkus may liwanag na masisilip bukod tanging nangingibabaw ang dilim ng paligid na siya ring nagbabadya kung ano ang buhay.
Sa buhay tayo'y nangangailangan ng ilaw na magbibigay liwanag sa karimlan ng mundo. Ngunit kung ang ilaw ay sadyang nawala ,pati ang liwanag ay mawawala narin. Paano pa muling makikita ang makulay na paligid,magagandang bagay, at mga kahalihalinang kalikasan kung walang ilaw na magbibigay liwanag? Kung sa biblya ang ilaw ay direksyon,mula sa pahinang aking nabasa na sinabi ng diyos sa babae ang una at dapat niyang gawin "buksan mo ang ilaw at hanapin mo ang isa sa sampung pilak" na kung saan ito'y pagbibigay direksyon tulad sa kalye na madilim na tanging liwanag ng ilaw ang nagsisilbing dreksyon para sa mga motorista. Paano pa kaya kung walang ilaw? Paano ka makakakita sa dilim tuwing gabi? Paano mu mkikita ang direksyon sa daan? Paano na ang gabi kung walang ilaw?
Ngayon,sa lugar na aking kinauupuan mga tanong na naglalaro sa aking isipan ang pilit hinahanapan ng kasagutan, mga bagay na gumugulo na pilit inaayos kahit sa pamamagitan ng malikhaing isipan, pagbubuo ng kinabukasan kalakip na pagbuo ng basag n plorera sa hinaharap n kalagayan.
Naiisip mo ba ang kahulugan ng likod ng mga salitang binuo dito?
Iyo kayang nauunawan ang bagay na pinipilit mong hawakan at mga pangyayaring ninanais tanggapin pagkat ang dilim ay pilit sumisilip kaya ang liwanag ay pinipilit mong hanapin?
Magulo! Walang payak,tiyak o konkreto ..
Ito ang mundo ,na kahit anung gawin mo iikot at iikot ito, ang tangi mu lang mgagawa ay humubog ng iyong pagkatao at tumungo sa bagay na ikasasaya mo ..
Pananaw mo, komento nyo,ideya niya, opinyon nila, suhestiyon ng iba.
Ang mahalaga AKO AY IBA !