Thursday, January 31, 2013

Friendship Endearment

          Likas sa pilipino ang pagiging palakaibigan kaya naman pati ang mga katawagan di na lingid sa ating kaalamanan ay siya nga namang kaakibat ng relasyon (oopss.. wag mag-isip ng kung anu-ano) ang tinutukoy ko ay ang magkaka-ibigan este! magkakaibigan. Lalake sa lalake, babae sa babae, lalake sa babae, matanda sa bata, propesyunal o simpleng tao lang. Ang pagkakaroon ng bagong kaibigan ay parang pagkain ng ice cream, malamig sa simula pero pag nasanay ka mas masasarapan ka! Ang pagpapanatili naman ng luma at inaamag mong kaibigan ay parang tubig, ipinagpapalit mo man sa softdrinks pero aminin mo kaylangan mo yan!  Well anyway! Para di ka na mabaog sa sinusulat ko maaari ka nang dumiretso magbasa pababa. 
          

Ito ang ilan sa karaniwang ginagamit na tawagan (Endearment) ng magkaibigan at ang kahulugan sa likod nito:


1. Best- ginagamit ito kapag kadalasan matagal na kayong magkaibigan o may bagay siyang lubhang naitulong sayo.

Aminin mo! Kaya nauso ang tawagang ito sa inyo ay dahil gusto mo  na mas makinabang pa (yes! best ibang level nga naman)

2. BFF- (Best Friend Forever) kadalasan mas ginagamit ito ng kababaihan, maaaring sa kapwa nila babae o sa mga kalalakihan. Itinataas nilaang antas ng nais nilang pagkakaibigang dalawa, nagpapakita ito ng (selfishness) yan yung tipong gusto niyang sabihin sa iba na ikaw lang at siya lang dapat ang bff mo (Gusto nito ng extra special attention)

3. Bessy- Para ito sa mga sweet (ehem! I mean Pa-SWEET). Ang tumatawag nito ay naiilang sa tawagang best kahit na ba dito hango yan. Yan yung mga pa bebe.

4. Bestfriend- Ginagamit naman ito kapag ang kaibigan ay nagpapahiwatig ng pagyayabang. Pagyayabang na gustong ipangalandakan na ikaw ang pinaka tatalik niyang kaibigan at pagyayabang na heto na ang narating niya! At animoy gustong sambitin. ikaw anu nang narating mo?

5. Friend- Ito naman ay para sa mga taong feeling close kasi may kaylangan siya sayo. 

6. Friendship- mga pasosyal at gustong maging sosyal.

7. Tol- Tawagan ito ng feeling straight. Kapag sa lalake ginagamit nila itong tawagan sa kapwa nila lalake para di sila mapaghalataan na sila ay Hindi straight (Samahan pa ng tonong pilit na tigas) 

8. Pare/Mare- Heto naman ay para sa looking forward na endearment. Nagbabadya na nais ka nilang kunin na ninang o ninong sa kanilang magiging anak. O looking forward para utangan ka.

9. Dre- Astig! Astig DAW kasi bago sa pandinig. kelan lang kasi to naimbento. Para ito sa mahilig makitrending at kunwari sawa na sa iba pang tawagan.

10. Par- Para sa mga tamad. Tamad buuing tawagin ang tawagang "Pare". Oh! wag na magisip ng kung anu yan ang ideya ng tinanong ko eh.

-- Ang mga nakalimbag sa itaas ay hindi nais putikan ang tawagan ng bawat magkakaibigan, ito ay hango sa maraming tao. Di mo maiaalis ang obserbasyong kanilang inuukol sa bawat sambit na lumabas sa iyong labi at sinamahan mo pa ng gawi, kaya lalong nagbibigay kahulugan anumang salita ang galing diyan sa bibig mo.

Paalala: Huwag magreklamo kung isa ka sa mga ito, Sadya talagang masakit ang Katotohanan.



0 comments:

Post a Comment