Masaya maging masaya.. binubuhay nito ang katawang pangtao. Yung tipong feeling mo kumpleto ka kapag masaya ka. Di ka na naghihintay ng kinabukasan para sa araw mong puno ng kaligayahan. Ganyan ang tao. Ganyan tayo. Natural sa atin ng may damdaming pagiging masayahin. Sa maliit at kapirasong bagay basta't pumukaw ng ating pansin, nasisiyahan tayo. para saan? para sa ating sarili. Sino bang nilalang ang ayaw maging masaya? Bukod sa masarap sa pakiramdam nakakalimot ng problema, nakakabuhay pa ng enerhiya sa katawan.
Ngunit, di maiaalis ang kalungkutan sa likod ng kasiyahan. Na kung gaano ka kasaya, sa likod ng mga ngiting ito, doble ang kalungkutan na nararamdaman mo. Lalo na kapag dumating ka sa puntong, may bagay na talagang magpapalungkot sayo.
Ako si Ako. bagamat kilala ko kung sino ako may mga bagay na talagang di ko kilala sa sarili ko. Ninais ko mang baguhin ang mayroon sa akin tila may enerhiyang pumipigil at inuudyukan akong gawin. Yun ay ang, maging Malungkot. Dumadating sa buhay ko na sobrang saya ko, sa kadahilanang may mga tao o bagay sa paligid ko na na-aappreciate ko. Makasama at makausap ang kaibigan, makatanggap ng tawag mula sa importanteng tao, makakuha ng mataas na marka, makatulong sa matandang tatawid, makakain sa agahan, makita ang sariling piktyur sa facebook na kayraming likes. Ito lamang ang ilan sa mga simpleng bagay na nakapagpapasaya sa akin. Kung gaano man kasimple o kababaw ang aking kaligayahan ganun naman kalalim kung ako'y may kalungkutan. Di ko hilig magalit sa tao kahit na may nagawa itong di maganda sa akin, ilang minuto huhupa na ang inis ko pero ang kapalit nun pagdaragdag sa kalungkutan ko na minsan nang muli gumana ang isip ko para mainis sa iba. Mas naiinis ako sa sarili ko kaysa sa ibang tao. Ayoko na minsan pinagiisipan ko sila ng masama, ang balik nun sa akin "Ang sama sama ko" Minsan naisip ko baguhin kung ano meron ako. Pero hinahatak talaga ako paminsan minsan ng emosyon ko (hindi ugali) Isa sa natuklasan ko sa aking sarili na hindi pala ugali ko ang problema, kundi emosyon. Emosyon na pumapatay sa maganda kong aura at humihila sa aking ugali upang maging masama. Ang tao, hindi lang ako, madalas magpadala sa emosyon na kun ano meron sila kaya bandang huli kapag nakapagdesisyon silang di maganda, negatibo ang resulta. Hamunin ko man ang emosyon ko na huwag magpatalo, animo'y halimaw siya na ayaw magpadaig. Mahirap, mahirap para sa akin na makipagbuno sa aking emosyon. Oo, hindi ko ito nailalabas sa ibang tao. May shield ako. Di nila nakikita kung ano ang totoong nararamdaman ko. Ngunit, ng ako'y mag-isa hetong si emosyon lalagablab na parang supernova na apoy. Bulalakaw nga minsan kong itong tawagin, mabilis, matinis kung lumusong sa aking pagkatao. Napapaisip nga ako na baka sakit na nga ito, pero hindi, alam ko natural na ito sa pagkatao ko at akin ring nauunawaan na kung may kasayahan ay may kalakip na kalungkutan. Naiisip ko na lamang na solusyon ay yung, mabilis na palitan ang kalungkutan sa kasiyahan, bagamat di ko siya kayang ialis tanging itong paraan ang aking naiisip upang maibsan ang sakit na nararamdaman.
Isa itong malalang karamdaman na mahirap pagalingin pero kung mapapaikot mo sa iyong mga kamay ang kapalaran ng iyong emosyon maaaaring di na ito gumaling kundi maging magandang bahagi ng iyong buhay na minsan mong naranasan at natuto ka mula dito.
0 comments:
Post a Comment