Thursday, January 31, 2013

Friendship Endearment

          Likas sa pilipino ang pagiging palakaibigan kaya naman pati ang mga katawagan di na lingid sa ating kaalamanan ay siya nga namang kaakibat ng relasyon (oopss.. wag mag-isip ng kung anu-ano) ang tinutukoy ko ay ang magkaka-ibigan este! magkakaibigan. Lalake sa lalake, babae sa babae, lalake sa babae, matanda sa bata, propesyunal o simpleng tao lang. Ang pagkakaroon ng bagong kaibigan ay parang pagkain ng ice cream, malamig sa simula pero pag nasanay ka mas masasarapan ka! Ang pagpapanatili naman ng luma at inaamag mong kaibigan ay parang tubig, ipinagpapalit mo man sa softdrinks pero aminin mo kaylangan mo yan!  Well anyway! Para di ka na mabaog sa sinusulat ko maaari ka nang dumiretso magbasa pababa. 
          

Ito ang ilan sa karaniwang ginagamit na tawagan (Endearment) ng magkaibigan at ang kahulugan sa likod nito:


1. Best- ginagamit ito kapag kadalasan matagal na kayong magkaibigan o may bagay siyang lubhang naitulong sayo.

Aminin mo! Kaya nauso ang tawagang ito sa inyo ay dahil gusto mo  na mas makinabang pa (yes! best ibang level nga naman)

2. BFF- (Best Friend Forever) kadalasan mas ginagamit ito ng kababaihan, maaaring sa kapwa nila babae o sa mga kalalakihan. Itinataas nilaang antas ng nais nilang pagkakaibigang dalawa, nagpapakita ito ng (selfishness) yan yung tipong gusto niyang sabihin sa iba na ikaw lang at siya lang dapat ang bff mo (Gusto nito ng extra special attention)

3. Bessy- Para ito sa mga sweet (ehem! I mean Pa-SWEET). Ang tumatawag nito ay naiilang sa tawagang best kahit na ba dito hango yan. Yan yung mga pa bebe.

4. Bestfriend- Ginagamit naman ito kapag ang kaibigan ay nagpapahiwatig ng pagyayabang. Pagyayabang na gustong ipangalandakan na ikaw ang pinaka tatalik niyang kaibigan at pagyayabang na heto na ang narating niya! At animoy gustong sambitin. ikaw anu nang narating mo?

5. Friend- Ito naman ay para sa mga taong feeling close kasi may kaylangan siya sayo. 

6. Friendship- mga pasosyal at gustong maging sosyal.

7. Tol- Tawagan ito ng feeling straight. Kapag sa lalake ginagamit nila itong tawagan sa kapwa nila lalake para di sila mapaghalataan na sila ay Hindi straight (Samahan pa ng tonong pilit na tigas) 

8. Pare/Mare- Heto naman ay para sa looking forward na endearment. Nagbabadya na nais ka nilang kunin na ninang o ninong sa kanilang magiging anak. O looking forward para utangan ka.

9. Dre- Astig! Astig DAW kasi bago sa pandinig. kelan lang kasi to naimbento. Para ito sa mahilig makitrending at kunwari sawa na sa iba pang tawagan.

10. Par- Para sa mga tamad. Tamad buuing tawagin ang tawagang "Pare". Oh! wag na magisip ng kung anu yan ang ideya ng tinanong ko eh.

-- Ang mga nakalimbag sa itaas ay hindi nais putikan ang tawagan ng bawat magkakaibigan, ito ay hango sa maraming tao. Di mo maiaalis ang obserbasyong kanilang inuukol sa bawat sambit na lumabas sa iyong labi at sinamahan mo pa ng gawi, kaya lalong nagbibigay kahulugan anumang salita ang galing diyan sa bibig mo.

Paalala: Huwag magreklamo kung isa ka sa mga ito, Sadya talagang masakit ang Katotohanan.



Wednesday, January 30, 2013

Love Desserts (Eat all you can Desserts)


RATING: 10/10

Taste- 10 (Delicious! It'll spoils your tummy especially for those who love sweets)
Service- 10 (They really very caring to customers. Thy love customers)
Price- 10 (Affordable I should say, For only P199 you can actually eat what you want)
Vicinity- 10 (Convenient, It is near SM North Edsa and Caloocan south)



How to get there???

If you are from Caloocan north, Fairview, Novaliches
 --- ride a jeep at Novaliches, Bayan heading to blumentritt, ask the driver to drop you at Del Monte Ave. then ride a jeep again heading to munoz and ask the driver to drop you Banawe. It can easily find out when you see a Z-Square building, it's just beside of it.

If you are from SM North ride a jeep from munoz to blumentritt and  you pass by Banawe. Ask the driver to drop there. 


Ang aking malalang karamdaman


Masaya maging masaya.. binubuhay nito ang katawang pangtao. Yung tipong feeling mo kumpleto ka kapag masaya ka. Di ka na naghihintay ng kinabukasan para sa araw mong puno ng kaligayahan. Ganyan ang tao. Ganyan tayo. Natural sa atin ng may damdaming pagiging masayahin. Sa maliit at kapirasong bagay basta't pumukaw ng ating pansin, nasisiyahan tayo. para saan? para sa ating sarili. Sino bang nilalang ang ayaw maging masaya? Bukod sa masarap sa pakiramdam nakakalimot ng problema, nakakabuhay pa ng enerhiya sa katawan.

Ngunit, di maiaalis ang kalungkutan sa likod ng kasiyahan. Na kung gaano ka kasaya, sa likod ng mga ngiting ito, doble ang kalungkutan na nararamdaman mo. Lalo na kapag dumating ka sa puntong, may bagay na talagang magpapalungkot sayo.


Ako si Ako. bagamat kilala ko kung sino ako may mga bagay na talagang di ko kilala sa sarili ko. Ninais ko mang baguhin ang mayroon sa akin tila may enerhiyang pumipigil at inuudyukan akong gawin. Yun ay ang, maging Malungkot. Dumadating sa buhay ko na sobrang saya ko, sa kadahilanang may mga tao o bagay sa paligid ko na na-aappreciate ko. Makasama at makausap ang kaibigan, makatanggap ng tawag mula sa importanteng tao, makakuha ng mataas na marka, makatulong sa matandang tatawid, makakain sa agahan, makita ang sariling  piktyur sa facebook na kayraming likes. Ito lamang ang ilan sa mga simpleng bagay na nakapagpapasaya sa akin. Kung gaano man kasimple o kababaw ang aking kaligayahan ganun naman kalalim kung ako'y may kalungkutan. Di ko hilig magalit sa tao kahit na may nagawa itong di maganda sa akin, ilang minuto huhupa na ang inis ko pero ang kapalit nun pagdaragdag sa kalungkutan ko na minsan nang muli gumana ang isip ko para mainis sa iba. Mas naiinis ako sa sarili ko kaysa sa ibang tao. Ayoko na minsan pinagiisipan ko sila ng masama, ang balik nun sa akin "Ang sama sama ko" Minsan naisip ko baguhin kung ano meron ako. Pero hinahatak talaga ako paminsan minsan ng emosyon ko (hindi ugali) Isa sa natuklasan ko sa aking sarili na hindi pala ugali ko ang problema, kundi emosyon. Emosyon na pumapatay sa maganda kong aura at humihila sa aking ugali upang maging masama. Ang tao, hindi lang ako, madalas magpadala sa emosyon na kun ano meron sila kaya bandang huli kapag nakapagdesisyon silang di maganda, negatibo ang resulta. Hamunin ko man ang emosyon ko na huwag magpatalo, animo'y halimaw siya na ayaw magpadaig. Mahirap, mahirap para sa akin na makipagbuno sa aking emosyon. Oo, hindi ko ito nailalabas sa ibang tao. May shield ako. Di nila nakikita kung ano ang totoong nararamdaman ko. Ngunit, ng ako'y mag-isa hetong si emosyon lalagablab na parang supernova na apoy. Bulalakaw nga minsan kong itong tawagin, mabilis, matinis kung lumusong sa aking pagkatao. Napapaisip nga ako na baka sakit na nga ito, pero hindi, alam ko natural na ito sa pagkatao ko at akin ring nauunawaan na kung may kasayahan ay may kalakip na kalungkutan. Naiisip ko na lamang na solusyon ay yung, mabilis na palitan ang kalungkutan sa kasiyahan, bagamat di ko siya kayang ialis tanging itong paraan ang aking naiisip upang maibsan ang sakit na nararamdaman.

Isa itong malalang karamdaman na mahirap pagalingin pero kung mapapaikot mo sa iyong mga kamay ang kapalaran ng iyong emosyon maaaaring di na ito gumaling kundi maging magandang bahagi ng iyong buhay na minsan mong naranasan at natuto ka mula dito.