aking namataan ang isang batang ito na kay ligayang pahithit-buga sa kanyang hawak na istik.
Ano? sino? bakit? paano? ilan lang ito sa mga katanungang bumabalot sa aking isipan kung ano nga ba ang dahilan ng karamihang kabataang nalululong sa mga bisyo? maaari bang problema sa pamilya? sa pera? pagkain? gamot? walang laruan? walang mapaglibangan? nalulungkot? nalulumbay? o sadyang masaya lang sila sa kanilang napupusuang gawain?. Sino ba ang dahilan? kanila bang mga magulang na nagpabaya? kaibigan na umanyaya? o udyok ng sarili sa mga nakikita?. Bakit nila ito ginagawa? dahil sa karaniwan ng nakagawian? hanap ng katawa? at paano nga ba nila ito mapipigilan?
.. ang huling katanungan ay sadya lamang na kayhirap sagutin pagkat ang tangi lamang makakalunas ay ang mismong tao na gumagawa nito o mga taong malapit sa kanila.
Nakalulugmok..
Nakasusuray..
Ako'y Nalungkot..
pagkat ito na ang kabataan ngayon sa bagong henerasyon.
Noong matandang panahon, ang mga kabataan ay kaysiya-siyang matutuhan ang mga bagong letra, mga numerong mala ginto sa mata at mga bagay na nais nilang makita. Mga ngiti nilang nangungusap na kuntento na sa mga bagay na nais nilang makuha. Ang panahon kung saan ang mga kabataan ay walang mga muwang. Ngunit ngayon, dumating ang bagong siglo kasabay ang bagong henerasyon ng mga kabataan!
Kahirapan! kahirapan ang pangunahing dinadaing ng mga tao kaya't natutukso sa mga gawing liko-liko. Nagnakaw pagkat walang makain, nagrurugby sa paraang mapalipas ang gutom, lumayas sa tahanan pagkat ayaw makaragdag palamunin sa pamilya, tumigil sa pag-aaral at mas pinili ang barkada at kung minsan natututo na sila kung paano pumatay!! di bat' kalugmok-lugmok ang kanilang sinasapit?
Hindi nila kasalanang mabuhay sa mundo, hindi nila kasalang mamulat sa kapaligiran, kung ang mga dahilan rin naman ay ang mga taong kanilang pinagkakatiwalaan ay siya rin namang maguudyok sa kanila sa ganitong bagay.
Matuto ka paring magpasalamat kung saan ka nagmula. Hindi dahilan ang karumihan at kasalanan sa mundo upang malugmok sa mga masasamang bisyo.
Darating man ang problema, kasawian, kapighatian at anumang pighati huwag mong kakalimutang ito'y iyong paslamatan pagkat hindi ito sayo ipagkakaloob kung hindi ka pinagkakatiwalaan ng nasa itaas na iyo itong makakaya.
Masaya maging bata! Dahil minsan ka lang maging bata :))
tama tama... hugh.. tama....
ReplyDeleteyup. CHECK hugh :D
ReplyDelete