Monday, March 26, 2012

buhay estudyante

isang linggong balisa, iritable at di makatulog pagkat may mga bagay akong dapat tapusin ngunit sa dami rin ng ginagawa lalong lumiliit ang oras ko para gawin yon. Isang subject lang.. 3 units nga lang eh saka 3 hours lang ang pasok namin don sa isang linggo pero.. pero.. yung mga gagawin daig pa namin ang schedule noong nakaraang taon na 11 hours at daig pa nito ang 5 units naming subject. hala teka! nasa bait pa kaya kami? biyernes ibinigay ang gagawin at sa susunod na biyernes na namin iyon ipapasa. ayun isang linggo pa pala! yun ang akala namin. Dahil sa final week kaylangan din namin magreview (kuno!) dumaan ang sabado linggo wala pa kami nagagawa dahil sa dami pa ng dapat tapusin pagkat may subject pa kaming iba bukod sa kanya. Lunes akala namin makakapagumpisa na eh! kaylangan pala naming magpractice para sa myusikal play namin sa miyerkules kaya pati martes binuno na nami npara sa praktis. Dumaan din si miyerkules gawa ng kaylangan i-play ang final requirements namin ay di na kami nakagawa pa. Umpisahan na sana namin sa huwebes kaso nagteks ihinto daw ang kompyuteysyon, sunod naman kami. Biyernes na, kampante kami syempre pinahinto eh akala namin di na gagawin (asa!) haha. yun pala may karagdagan pa at sa linggo na ipapasa (huwaaaw) kaylangan na ata tumawag ng klasmeyt ko ng lahat ng santo, tas yung isa kong kgrupo magdarna nalang, o kaya lahat kami talon nalang sa ten floor na building sabay sabay sa pressure na pumatong sa ulo namin. Isang linggong balisa, iritable at di makatulog tapos madadagdagan pa. Susmariya! mahy goodness op milk! Biyernes palang ng gabi gumawa na kami hanggang sabado, pahinga onti gawa ulit, pahinga onti gawa ulit, pahinga onti pahinga gawa gawa gawa.. wala ng pahinga. At doon ko nakilala si spearman galing sa baul ng statistics, kala ko magiging mabait sya yun pala pahihirapan kami sa dami ng gagawin sa kanya (naisip nga namin wag na kaya ituloy) pero hindi dahil estudyante kami kaylangan magsakripisyo! 28 hours na kaming di natutulog ng makilala ko naman si split halves ayun! di rin sya mabait. Actually mali pa nga pagkakagawa namin sa kanya kaya ulit ulit din kami. Heto na linggo na, na akala naming pasahan di naman pala salamat narin pero sa pasahan na itinakda tila kami nawindang dahil sa isang araw na aming gugugulin para sa pahinga na sana wala rin pala! hala ulit pala. tila parang guho na bundok ang tumalima sa aming mga ulirat! pero kaya at kakayanin yon. anumang dami o gaano man kahirap kakayanin at gagawin sa abot ng aming makakaya. Kahit na napapaisip kami kung bakit namin kaylangan magkompyut kompyut eh! sikolohiya kami di naman namin makokompyut yung tao pagineevaluate namin, di naman kami gagamit ng numero para malaman sakit ng isang tao, at di rin namin kaylangan ng napakaraming computations na yun para mabuhay kami. kung tutuusin kahit di namin gawin yun hihinga parin kami. 
               Pero sa kahulihan ng pagsusulat ko nito, naisip ko ang kahalagahan nito, yung epekto sakin ng mga numerong ito. Bawat titig ko sa kanila naiisip ko KAYA ko pala! magagawa ko naman pala eh bakit ako susuko? di porket di related sa course ko di ko na gagawin? nagpapatunay nga yun na walang limitasyon ang kaalaman ng tao. Mas naging aggressive ako sa paraang gagawin ko ang bagay na sa tingin ko nung una ay imposible pero makakbuti. Worth trying for. (ika nga!) nahirapan nga ako pero marami akong natutunan; sa numero, sa pagaaral, at sa buhay ko.

simple lang pero maraming nagbago at nakatulong sa aking pagkatao. Drama! eh. yun talaga eh kung ano pa ang korni sya ang nakakatawa. (anong connect?) 





0 comments:

Post a Comment